Si Howard Stern ay may
isang programa sa radio at telebisyon sa Amerika kung saan
iba’t-ibang uri ng tao ang kanyang kinakausap. Ang isang
sagisag ng kanyang programa ay kahalayan at kabastusan at
kahit ang kanyang tatlong anak na babae ay pinagbabawalan
niyang makinig o manood ng kanyang programa sa katwirang
pwedeng gawin iyon ng mga anak ng iba nguni’t hindi ng
kanyang mga anak.

Isang araw naging
panauhin si Stern ng isang kilalang personalidad sa
telebisyon, si Jay Leno. Sa programang iyon itinaas ni Stern
ang isang Gideon Bible at nagmayabang ng ganito "PINAPALITAN
NA NGAYON NG AKING AKLAT ANG MGA BIBLIA NG GIDEON COMPANY SA
MGA HOTEL" ( kung sakaling hindi ninyo alam ang ginagawa ng
samahan ng Gideon International , ang kanilang layunin ay
maglagay ng isang sipi ng Biblia sa bawat sala sa lahat ng
hotel sa buong mundo at sila ay naniniwala na nasa Biblia
ang katugunan sa pangangailangan ng puso).
Ngunit balikan natin
ang pangyayari.Hindi maituturing si Jay Leno na isang
relihiyoso, ngunit hindi niya napilitang sumagot: "HOWARD,
MAY MASAMANG MANGYAYARI SA IYO… IKAW AY PAPALUIN NG AKLAT NA
ITO HABANG IKAW AY NAGMAMANEHO. MAGLALAGOS ITO SA SALAMIN AT
TUTUSUKIN ANG IYONG PUSO. AKO AY NAGSASALITANG PARANG ISANG
EBANGHELISTA, NGUNIT AKING HINUHULAAN NA IYAN ANG MANGYAYARI
SA ‘YO AT NGaYON AY PARANG BIGLANG NAGLILIWANAG SA AKIN ANG
LAMAN NG AKLAT NA ITO".
Sa loob ng daan at
libong taon ay binabatikos ng mga tao ang Biblia at
hinuhulaan ang kamatayan nito. Ngunit tulad ng martilyo ng
isang panday na nasisira sa pagtagal ng panahon, gayundin
ang nangyayari sa mga kritiko ng Biblia. Samantalang ang
salita ng Diyos ay nananatiling matibay. Isang halimbawa si
Voltaire, isang pilosopong Pranses. Kanyang hinulaan ang
pagkawasak ng Kristiyanismo sa loob ng 50 taon. Makaraan ang
25 taon pagkatapos na siya ay mamatay, binili ng Geneve
Bible Society ang kanyang bahay at ginawang imprentahan ng
Biblia.
Tulad ni Leno maraming
tao ang nagtatangol sa aklat na ito ngunit hindi nila iyon
kailanman binabasa. TANONG: Kung kayo ang nasa kanyang lugar
ay hindi rin ba ninyo maiiwasang sumagot? Kung oo ang inyong
sagot, ako ay may isa pang tanong: Kailan ninyo huling
binasa sa aklat na ito ?
Kung gugugol kayo ng
kahit labinlimang minuto lamang sa isang araw sa pagbabasa
ng Biblia, matatapos ninyo itong basahin sa loob ng isang
taon. At sa loob ng labinlimang minutong iyon, makakatagpo
kayo ng lakas, katiwasayan at gabay para sa inyong buhay. Sa
loob ng libu-libong taon, kinalaban ang biblia, tinuligsa at
pinilit na patayin ang Kristiyanismo. Ngunit nabuhay at
namatay ang mga kaaway nito samantalang ang Bibilia ay
patuloy ang paglaganap at pagbabago sa puso ng tao.