Ang Bunga Ng Edukasyon

Pamana at Pinaghirapan ng aking Tatay at Nanay

I realized one morning while working in my computer, ang tagal ko na pala sa bansang Italya, halos dalawang dekada na ang lumipas. Ito ang naging pangalawa naming tirahan na bumuo sa mga pangarap ng aming pamilya sa tulong at gabay ng nasa Taas at sa edukasyong ipinamana ng aming mga magulang. Dito ko natagpuan ang aking love of my life at pinag-isang dibdib kami sa Comune di Milano and after seven years, we decided na dapat makasal sa simbahan . Luckily, nagkaroon kami ng one and only child, si "GIO". Sa mga lumipas na panahon, we encountered lots of experiences, mga bagay sa lahat ng aspeto ng buhay ay dumaan, nasaksihan at kinapulutan ng mga magagandang aral. Naabot at naisakatuparan dahil na rin siguro sa paulit-ulit na mga pangaral na iniwan ng aking tatay at nanay. Kagaya ng lagi nilang sinasabi " iba ang may natapos at pinagaralan " at lagi nilang sinasabi sa amin, "Remember that there is God, appreciate what is beautiful and do good to others ". Good things na isasalin ko rin sa kaisipan ng aking anak.

Here, my status is already legal at nagkaroon ng trabaho kagaya ng karamihan. I love very much my job kahit this is not my line and I worked according to their rules and regulations. What I liked most with my job is that I have a lot of quality time to think of many things and everything. Di ba, it is a gift pag may time ka sa mga bagay-bagay. Dapat alisin natin sa ating kaisipan na kahit hindi mo linya, magagamit pa rin ang pinag-aralan. For me, nagagamit ko ang aking pinagaralan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa aking trabaho at extra-curricular activities. Lahat tayo ay may kinikita and we have investments. It is our choice kung saan natin ilalagay ang mga investments na ito. I opted to buy lots in the Philippines, and not even building apartments, buying condo’s…etc. I strongly believe that education will shape the future of our son here in Milan and we invested on that. So we give high priority to his education. Tulungan niyo kaming ipagdasal and crossed all our fingers sana tuloy- tuloy. Almost one and half year from now, he will be pursuing for International Baccalaureate Diploma at the International School of Milan. It is not only for us but for our beloved country and that our Philippine Flag will be raised on his Graduation Day. And this is the pride of the Filipinos. He has been selected and nominated to attend this January 2010 to The Hague International Model United Nations Good Governance and on June 2010 to the Global Young Leaders Conference in China or United States.

Bilang mga magulang na naririto sa Italya , payong kapatid, Let us give all our Love, Caring, Understanding, Communication, Patience especially Time to our sons and daughters. Lalo sa situation ng mga bata rito, they live in two different cultures mahirap para sa kanila. Mostly, nalilito sila kasi tayong mga magulang iba ang generation natin, mayroon difference tayo. Kaya we have to make adjustments with our children, kung wala tayong time, paano ang ating mga sacrifices at ang mga pinaghirapan natin. We are blessed because they call us "Bagong Bayani " Hindi ko gusto na tawagin tayo na "OFW" mas nais ko ang simpleng tawag na mga Filipinos na nasa labas ng bansa, " out of country ". Kaya bigyan natin ng saysay at panahon ang ating pagpapakabayani.

Lahat ng mga bagay na ito ay nakamit namin sa gabay ng ating Panginoon, bilang sentro ng aming buhay at pag-ibig sa Kanya.Bagay na dapat nating pagyamanin sa ating buhay ay ang Pananampalataya. We are called " AMICI " of Augustinian Friends of Sto. Nino de Cebu – Milano which is guided by Augustinian Fathers and Sisters and we are devotees of Mama Mary, San Lorenzo Ruiz, Sta. Rita de Casica. Lahat ng aming panalangin sila ang mga nagiging tulay at daan sa ating Panginoon.

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Maraming Salamat.

Bong & Bella…