Sino nga ang
makakapagsabi at makakahula na ang maganda at kaakit-akit na
si international film star Rachel Grant ay isang Pinay na
kung saan ito rin ay nakilala dahil sa pagganap nito bilang
deadly bond girl sa pelikulang James Bond at siya rin ay
kabilang sa royal family sa England.

Rachel Loiuse Grant De
Longueuil, ang tunay na pangalan ni Rachel at sya ay
ipinanganak noong 1977 sa Manila Medical Center. Ang kanyang
ama ay si Michael Grant - ang 12th Baron de Longueuil at isa
ring ritired doctor at hypnotist habang ang kanyang lolo ay
si Baron Raymond Longueuil na isa ring sikat na professional
artist sa South France. Ang kanyang great grandmother ay si
Lady Ernestine Maud Bowes-Lyon na pinsan naman ni Queen
Mother Mary kaya lumalabas na si Rachel ay fourth cousin
nina Prince William at Harry.
Ayon kay Rachel, lagi
niyang ipinagmamalaki ang pagiging isang Filipina at sabi pa
nito na ang balot ang isa sa kanyang pinakapaboritong
pagkain sa Pilipinas.
Idinagdag pa nito na
siya ay isang tunay na Filipino sa kabila ng kanyang Britist
accent dahil ang kanyang ina ay isang Filipina .
"My mother named
Isabel, is a Filipino and I was born in the Philippines",
pagmamalaking pahayag ni Rachel.
Ikinuwento rin ni
Rachel na matagal na namalagi ang kanyang mga magulang sa
Pilipinas hanggang siya ay ipinanganak, ngunit dahil sa
malakas na bagyo na sumalanta sa Pilipinas noon, napilitang
lumipat at bumalik sa England ang pamilya ni Rachel.
Napag-alaman din na si
Rachel ay pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae. Ang
kanyang panganay na kapatid na si Angela ay isang ballet
dancer at model. Si Angela rin ang magandang modela sa Ivory
soap at Lux shampoo commercials sa Pilipinas. Ang bunso
naman ay si Rebecca na isa ring magaling na artist at ballet
dancer sa England. Siya rin ay may sariling ballet school sa
nasabing bansa.
"The three of us went
to a local ballet school in Nottingham where we did ballet,
singing, and acting. We performed regularly around the UK in
dance and drama festivals and competitions as well as
numerous charitable events, notably the Royal Society of the
Blind," kuwento pa Rachel
Para kay Rachel ang
kanyang pagiging isang Filipino ay maituturing na niyang isa
sa kanyang mga kayamanan. Ang kanyang pinagmulan ay isang
lahing dapat ipagmalaki dahil sa paniniwalaang maraming
angking kagalingan at magagandang katangian ang pagiging
isang Pinoy. Ulat ni Michelle H. Carandang