Ebola Reston Virus nasa Pinas Na!

 

Sa nakalipas na mahigit isang linggo matapos ang masaklap at nakapangingilabot na sinapit ng mahigit sa 3 milyong mamamayan ng bansang Haiti dahil sa malakas na paglindol, kumpirmadong tatlong bangkay ng Pinoy ang nahukay sa mga gumuhong gusali sa nasabing lugar, habang tatlo rin ang nawawala pa.

Ayon kay Department of Foriegn Affairs (DFA) spokesman Atty. Ed Malaya unang narekober ang bangkay ni Filipino UN staff Jerome Yap, sumunod ang bangkay ng isang Pinay na UN Peacekeeping
Force na si Petty Officer 3 Perlie Panangui habang ang huling bangkay na nahukay ay si Army Sgt. Eustacion Bermudez.

Samantalang ang tatlo pang Pinoy na hinahanap ay sina Sgt. Janice Arocena ng Phil. Air Force at ang dalawang OFWs na sin Grace Fabian at Geraldine Lalican na pinaniniwalaang nabaon sa Caribbean market.

Sa ngayon ay Inihahanda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapadala ng isa pang team sa Haiti para tumulong sa search, rescue, rehabilitation at retrieval operations.

Sinabi ni AFP spokesman Col. Romeo Brawner Jr., umapela ang United Nations (UN) ng karagdagang mga engineers, rescuers at doctors para tumulong sa operasyon doon.

Ani Brawner, hihintayin na lamang nila ang go-signal ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa deployment ng karagdagang tropa sa Haiti.

Base naman sa pinakahuling ulat, sa gitna ng puspusang ginagawang retrieval, search at recovery operations ng ilang humanitarian group sa boung mundo, muling niyanig ng malakas na paglindol ang Haiti.

Naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 6.1 na sinasabing ‘strong aftershock.’

Ayon sa ulat ng United States Geological Survey (USGS), ang epicenter ng aftershock ay naitala 36 miles kanluran timog-kanluran ng Port-au-Prince at may lalim na 6.2 miles.

Bago ang aftershock, dalawang malubhang su-gatan na Haitians ang dinala sa pagamutan.

Samantala natakdang dumating sa Haiti ang USNS Comfort na siyang ginamit sa Estados Unidos noong 2001 terror attacks at 2005 Hurricane Katrina.

Sakay ng naturang USNS Comfort ang may 550 doctors, nurses, corpsmen, technicians, support staff at may anim na operating rooms na kayang i-accomodate ang 1,000 pasyente.

Nababahala ang mga doktor sa Port-au-Prince dahil sa kawalan ng magandang lugar kung saan gagamutin ang mga sugatang nakaligtas sa 7.0 magnitude na lindol na tumama noong nakaraang linggo.

"We have run out of IVs and IV needles and IV fluids. We’ve run out of surgical supplies. We have to wash with vodka and we have to operate with hacksaws because we don’t have enough operating tools," ayon kay Dr. Mark Hyman ng medical relief organization.

Sa pagtaya naman ng United Nations, umaabot na sa tatlong milyong Haitians ang nangangailangan ng pagkain, tubig, medical assistance at masilungan habang kumpirmadong 72,000 na ang nahuhukay na mga patay at di umano ay lubos na matatagalan ang pagbangon na mangyayari sa bansang Haiti dahil sa malaking pinsalang dala ng lindol.Ulat ni Mitch Hermano.