Kaya naman kaagad na
sinabi nito na kinakailangan magpatawag ng isang
agricultural summit na kung saan ay iniimbitahan nito ang
lahat ng sektor at sangay ng lipunan na maaaring tamaan ng
El Nino.
Ayon kay Briones, nais
niyang isagawa ang panawagan sa lalong madaling panahon
bunsod na rin ng ulat at impormasyon kanilang nakalap na
ngayon pa lamang ay unti-unti nang bumababa ang level ng
tubig sa mga dam sa bansa at kailangan nang magbawas ng
supply ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)
sa mga costu-mers sa Metro Manila.
Dagdag pa ng mambabatas
na kinakailangan na rin umanong i-rehabilitate ng mabilisan
ang lahat ng ‘irrigation facility’ na siyang daluyan ng
pinagkukuhanang patubig ng mga magsasaka na sinira ng mga
nakalipas na bagyo.
Pangunahing pangamba rin
ng AGAP ang hinggil sa posibleng pagkakaroon ng "food
shortage" kung sakaling hindi handa ang gobyerno sa
pananalasa ng El Niño.
Bukod pa rito, sinabi rin
ni Briones na kapag lumiit ang ani ng mga magsasaka lalo ng
palay at mais ay sigurado na tiyak na tataas ang presyo ng
bigas, baboy,manok at baka.
Samantala, taong 2006
nang una ng naglabas ang ahensya ng NOAA National Weather
Service Climate Prediction na sa taong 2010 mananalanta ang
matinding tag-tuyot sa halos lahat ng parte ng central at
eastern tropical Pacific water na kung saan kabilang dito
ang karagatan ng Pilipinas. Ulat ni Mitch Hermano
Ayon kay Press Sec.
Cerge Remonde, nagbigay na ng direktiba ang chief executive
sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) na gawin
ang kinakailangan para maiwasan ang anumang casualty sa
pagsabog ng bulkan.
Ayon kay Remonde, ay
kinausap na rin ni Pangulong Arroyo si Albay Gov. Joey
Salceda na narito sa Malacañang.
Inatasan na rin ng
Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)
secretary para maghanda ng mga contingency measures at
ihanda ang mga relief goods para maibigay sa mga apektadong
mamamayan. (Ulat ni Michelle H. Carandang)