10 US nationals arestado dahil sa child trafficking sa Haiti

Matapos ang 19 na pagkakabilanggo sa Italian prison at tuluyan na ngang nakalaya ang taong si Melmet Ali Agna ang nagtakang pumatay sa pamamagitan ng pagbaril kay dating Pope John Paul II noong taong 1981 sa bansang Turkey.

Ngunit sa kabila ng paglaya nito ay nananatili pa ring malaking palaisipan sa marami kung ano ang tunay na motibo ni Agna sa kanyang ginawang pamamaril sa dating papa.

Napag-alaman din na sinabi rin nito na ang kanyang ginawang pagbaril ay wala siyang ibang kasama o kasangkot.

Samantala taong 1983 naman nang opisyal na inihayag ni Pope John Paul II na ganap na niyang pinatawad si Agna sa kanyang ginawang pagbaril at ito ay kanya ring binisita sa kanyang kulungan.

Nagkaroon din umano ng isang malaking kuwestiyon sa ipinakitang ugali ni Agna matapos nitong sabi ni na siya ang tunay na Mesiah.

"I proclaim the end of the world. All the world will be destroyed in this century. Every human being will die in this century...I am the Christ eternal", naging pahayag nito.

Kaya naman napag-alaman sa Turkish media na ngayong ganap nang malaya si Agna, ito ay patitingnan sa isang pagamutan sa isip o sa isang mental hospital. Ulat ni Michelle Carandang