Nakitaan ng alanganing
posisyon ang iminumungkahing health care reform bill ni US
President Barack Obama,
Napag-laman na ito ay
kaugnay sa pagkapanalo ni Republican State Senator Scott
Brown sa isinagawang special election sa estado ng
Massachussetts para sa bakanteng posisyong naiwan ni yumaong
Edward Kennedy noong nakaraang taon.
Napag-alaman kasi na
hindi sang-ayon ang mga Republicans sa health care bill na
isinulong ni Barack.
Nauna rito ang
pagkakaroon ng "close fight" nina Brown at ng katunggaling
si Democratic Attorney General na si Martha Coakley.
Nakuha ng Republicans
ang kabuuang boto na 1,127,531 habang 1, 013,451 naman ang
sa Democrats.
Ayon naman kay Coakley,
tanggap niya na ang pagkatalo ay batay lamang sa inilabas na
partial result kung saan nanguna na ng 53 porsiyento si
Brown,
Lumabas din sa ilang
ulat, mawawalan ng pagkakataon ang Democrats ng 60-seat
majority sa 100-seat Senate kapag kay Brown napunta ang
naturang senate seat kung saan mahihirapang maipasa ni
Barack Obama ang healthcare reform bill.
Ang Healthcare reform
ay isang napakahalagang "domestic policy objective" para sa
kanyang unang taon ng pagiging Pangulo ng Amerika. Ulat ni
Michelle H. Carandang
Inaasahan na
magtatakda ang US at China ng mataas na carbon emission cut
na siyang tintingnang susi upang mabuo ang kasunduan.
Sa ngayon sinimulan na
ang pagpupulong sa pamamagitan ng mga environment ministers
upang maplantsa ang kasunduan na lalagdaan sana ng mga head
of states sa huling araw ng Climate Change Summit sa
Denmark.