Saan Ka Man Naroroon

Dear Atty. AGA,

Sa pagtanggap po ninyo ng aking sulat dalangin ko po ang malusog ninyong pangangatawan at gayundin ang inyong pamilya.

Ako po ay Filipino citizen, midwife, at kasalukuyang residente ng ibang bansa at nagtatrabaho bilang caregiver. May boyfriend na residente rin po dito sa Italy at Filipino din po. Sa isang taon po ay binabalak naming magpapakasal dito na rin sa abroad.

Sa amin pong pagpapakasal ng aking boyfriend, ano po ba ang batas na applicable ukol sa aming legal capacity upang magpakasal dito sa Italy?

Umaasa,

Elsa

Ang legal capacity ninyo upang magpakasal ay saklaw ng batas ng Pilipinas, ang ating Family Code. Ito ay ayon sa Article 15 ng Civil Code, which provides that laws relating to legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad. Ikaw at ang iyong boyfriend ay parehong Filipino citizens, kaya kayo ay sakop pa rin ng Family Code saan man kayo naroroon.

Ang legal capacity to contract marriage ay sakop ng Article 5 ng Family Code. Ayon sa nasabing batas, "any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage." Malinaw na kinakailangang babae at lalaki na may edad na eighteen (18) pataas ang maaaring magpakasal. Ang isang babae at lalaki ay maaari lamang ikasal kung walang legal impediments to marry each other.

Ang halimbawa naman ng legal impediments ayon sa Article 37 ng Family Code ay, "marriages between the following are incestuous and void from the beginning, whether the relationship between the parties be legitimate or illegitimate, between ascendants and descendants of any degree and between brothers and sisters whether of the full or half-blood." Example of legal impediment under Article 38 of the same Code is that, "the following marriages shall be void from the beginning for reasons of public policy, between collateral blood relatives, whether legitimate or illegitimate, up to the fourth civil degree"

Binabati ko kayo sa inyong nalalapit na pagpapakasal. Nawa ay maging maligaya ang inyong pagsasama habambuhay.

Sana ay muli na naman akong nakapagbahagi ng kaalaman sa aking mga tagasubaybay.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa aming tanggapan sa 210 E. dela Paz Street, Pleasant Hills, Manldaluyong City 1552, Philippines. Pwede rin kayong makinig sa ating daily radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6:00-7:30pm., DZXL RMN Manila sa 558 khz through the website www.rmn.ph and click to 558 DZXL RMN MANILA. Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net.

Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!