Perlas Ng Silanganan

I

Mahahalintulad ang Pilipinas sa isang magandang kalapati

Kalapati na matagal ginapos,kinulong at inapi!

Sinakop ng tatlong banyagang bansa,

Na hindi malaman kung meron pang natitirang pag-asa,

Ngunit patuloy na lumaban makamit lang ang

kalayaang minimithi.

II

Hindi madaling nakuha ng Pilipinas ang kanyang kalayaan,

Dumating sa puntong kailangan dumanak ang dugo,

Mabuti na lamang ay meron tayong mga bayani,

Ilan sa kanila ay sina Rizal, Bonifacio at Mabini,

Hindi nila tayo pinabayaan maipagtanggol lang sa mga nang-aapi!

III

Iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Cavite,

Simbolo ng paglaya ng bansa sa mga mananakop,

Alab ng damdamin ay hindi kailanman napuspos,

Ang dating kalapati na nakagapos at nagdurusa,

Ay nabigyan ng pagkakataong muling lumipad ng malaya.

IV

Sa makabagong panahon

hindi problema ang pagkakaroon ng kalayaan,

Kundi ang kahirapan ng buhay at mga magnanakaw sa pamahalaan,

Animo’y mga lintang walang habas sa pagsipsip sa kaban ng bayan,

Ngunit ang mga Pilipino’y sadyang matiyaga at matiisin,

Patuloy na lumalaban sa mga unos ng buhay na dumarating.

V

Panawagan ko lang po sa mga Pilipinong katulad ko,

Mapa-muslim man o Kristiyano dahil kapwa po tayong mga Pilipino,

Huwag po sanang abusuhin ang kalayaan pinagkaloob sa inyo,

Mahalin natin ang sariling wika at bansa,

At pangalagaan natin ang kalayaan ng Perlas ng Silanganan!

                                                                                               -  Antonio 'Yolsky' Aquino