Rape ba ito?

Dear Atty. AGA,

Musta po idol? Mayroon sana akong tatanungin sa inyo tungkol sa mga nadidinig ko.

May katotohanan po ba na puwede nang tawaging rape kapag sapilitan na ipinasok sa private organ o anus ng tao ang anumang bagay o instrumento? Kapag po ba na-commit ang bagay na ito nang sapilitan sa katulad ko na lalaki rin, rape rin po ba ito?

Isang katanungan na lamang po, kung pilitin ko po ba ang aking asawa na makipagtalik sa akin, maaari po ba akong kasuhan ng aking asawa ng rape?

Hangad ko po na mabasa ang inyong pagpapaliwanag ukol sa bagay na ito.

                                                                                              Umaasa,

                                                                                             Rolly

 

Maaari nating tawaging rape kapag sapilitan na ipinasok ang bagay o instrumento sa private organ o anus ng ibang tao under Article 266-A of the Revised Penal Code, as amended by R.A 8353 (The Anti-Rape Act of 1997), approved on September 30, 1997.

Sinasabi sa batas na ito na, "Rape is committed through force, threat, or intimidation; when the offended party is deprived of reason or otherwise unconscious; by means of fraudulent machination or grave abuse of authority; and when the offended party is under twelve (12) years of age or is demented, even though none of the circumstances mentioned above be present; by any person who shall commit an act of sexual assault by inserting any instrument or object, into the genital or anal orifice of another person "

Ang krimeng rape ay naco-commit kapag ipinasok ng isang tao ang anumang bagay o instrumento sa ari o kaya sa anus ng isang tao, maging ito ay babae o lalaki. Kinakailangang ang pagpasok ng anumang instrumento o bagay ay sapilitan, o may halong pa anakot; o kaya naman dahil sa pagpasok ng bagay o instrumento, ang biktima ay nawalan ng malay o kaya naman ay nabaliw; maaari rin naming na ma-commit ang krimeng ito kapag nakumbinsi ng offender ang biktima sa pamamagitan ng pandaraya o pambibighani na may kahalong panloloko o kaya naman ginagamit ang kapangyarihan para maisakatuparan ang masamang balak; at kapag ang biktima ay under twelve (12) years old o kaya may diperensya ang pag-iisip.

Malinaw din sa ating bagong batas na ang nasabing krimeng ay puwedeng ma-commit against any person, whether a man or a woman.

Sa iyong ikalawang katanungan, mayroon na tayong tinatawag na marital rape under Paragraph (2), Article 266-C of the Revised Penal Code. Ito ay by implication lamang under the said law.

Ayon sa nasabing batas, "in case it is the legal husband who is the offender, the subsequent forgiveness by the wife as the offended party shall extinguish the criminal action or the penalty" Ang ibig sabihin nito kapag ginawa ng asawang lalaki ang mga circumstances na nabanggit, under which rape is being committed except that when the crime is being committed against the offended party who is under twelve (12) years of age, against his wife, ay puwedeng maakusahan ng asawang babae ang asawang lalaki ng rape. Kapag pinatawad ng asawang babae ang asawang lalaki, hindi na maaaring maghabla ng kasong rape ang biktima sapagkat wala nang pananagutang kriminal ang asawang lalaki.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa aming tanggapan sa 210 E. dela Paz Street, Pleasant Hills, Manldaluyong City 1552, Philippines. Pwede rin kayong makinig at makita na ako sa ating daily radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6:00-7:30pm. (Manila Time), DZXL RMN Manila through the website www.rmn.ph/tv Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net.

Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!