Ikalawa, tulungan siya
na maging kung ano siya.
Ang isa sa mga
pagkakamali ng maraming magulang ay ang ipaggiitan sa
kanyang anak ang kanilang pangarap. Huwag maging hadlang
upang siya ay lumaki ayon sa mga katangiang bigay sa kanya
ng Diyos sa kanyang buhay. Ang sariling hilig, kakayahan,
ambisyon at interes ang kanyang dapat mag-yamanin. Ngunit
hindi nangangahulugan iyan na papagayan ninyo siyang
makisalamuha sa mga kalarong masama ang pag-uugali. At ang
magandang pamantayan ng moralidad ay inyo nang naitanim sa
kanyang isipan, magtiwala sa kanyang kakayahan.
Ikatlo, turuan ng
kabutihang asal.
Hindi ninyo ito magagawa
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kalayaang manood
na telebisyon kahit anong oras at ng mga pelikulang ang turo
ay salungat sa Biblia, o mga awiting ang sinasabi ay lason
sa isipan. Sa halip bigyang diin ang pagsisimba ng buong
pamilya tuwing Linggo, pagdalo sa Sunday School at Bible
Study, at mga gawaing ang layunin ay tumulong sa mga
kabataan upang lumayo sa masasamang barkada. Pag siya ay
nagtanong kung bakit mayroong bawal, sabihin lamang ninyo,
SAPAGKAT AKO ANG TATAY O (NANAY).
Ikaapat, hikayatin
siyang magkaroon ng mabubuting kaibigan.
Iyan ay ngangahulugan ng
pagbabawal sa bata na makisama sa mga barkadang lumaki sa
layaw ay walang iniisip kundi gulo at kapilyuhan.Pagwala
kayong ginawa sa bagay na ito, mawawalan din kayo ng
pagkakataong maging mabuting impluwensya para sa inyong mga
anak.
Ikalima, huwag
kalilimutan ang kapangyarihan ng papuri at pagkilala sa
kanyang magagandang katangian at ginawa.
Ang pinakamahalagang
bagay sa mga bata ay hindi ang pagsang-ayon ng kanilang mga
kaibigan, kundi ang papuri ng kanilang mga magulang .
Purihin ang kanilang magagandang gawa at ipadama sa kanila
ang inyong kagalakan at pagmamalaki. Iyan ang isang malaking
pagkukulang ng mga magulang .
Opo, kahit nagyon ay maaari pa rin kayong magpalaki ng mga
anak na inyong maipag-mamapuri at mabibigyan ng ligaya at
dangal sa inyo at sa Diyos.