Diane Desierto, First Filipino Clerkship Appointee at the International Court of Justice

 

Iba na ang PINOY! Ito ang sinabi ng marami nating mga kababayan matapos nilang mabasa sa iba’t- ibang pahayagan sa Pilipinas ang kuwento ng isang Filipina na nagngangalang Diane Desierto.

Si Daine Disierto, ang sinasabing kauna-unahang Pinay clerkship appointee sa International Court of Justice sa Hague, Netherlands.

Nagtapos sa UP Diliman College of Law bilang cum laude at nagtapos din ng Economics na kung saan kinilala siya bilang summa cum laude, habang sa kasalukuyan naman ay katatapos lamang niyang makuha ang kanyang Doctorate in Laws sa Yale University.

Base sa report, sinasabing si Disierto rin ang kauna-unahang nabigyan ng ganoong posisyon sa Southeast Asian, bukod sa isang Japanese na nanggaling din sa Yale Law School noong taong 2005.

Bukod pa rito, napag-alaman din na kadalasang napupunta ang posisyon bilang clerkships mula sa mga law schools sa North America, Europe, Australian Law School at Australian National University.

Kaya naman masasabing ang galing ng Pinoy, dahil sa ipinakitang talino at husay ni Disierto.

Hindi rin umano akalain ni Daine na makukuha niya ang posisyon dahil sa alam niyang mas maraming magagaling sa kanya na mula pa sa mayayamang bansa sa buong mundo, kaya hindi rin siya makapaniwala na ang kanyang talino at galing ang nangi-babaw at sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing posisyon.

Isinilang noong June 9, 1979, sa Quezon City, Metro Manila si Diane at siya ang pinakabatang anak nina Aniano A. Desierto, ang dating Ombudsman of the Republic of the Philippines at ni Teresita A. Desierto na nanunungkulan naman bilang Commissioner in the Housing and Land Use Regulatory Law.

Ayon na rin sa kuwento ni Diane, ang kanyang mga magulang ang kanyang naging inspirasyon, dahil sa ang mga ito rin ang nagturo sa kanyang kung gaano kahalaga ang pag-aaral sa buhay ng isang tao.

Naaalala niya na bata pa lamang siya ay maagang ipinamulat sa kanya ng kanyang ama at ina na walang mahalagang kayaman kundi ang pinag-aralan.

Para kay Diane Disierto, ang tagumpay na nasa kanyang mga kamay ngayon ay hindi lamang niya tagumpay kundi ito ay taos puso niyang iniaalay din sa ating mga kababayan at sa ating bansa. Mitch Hermano