Maghatian na Tayo

Dear Atty. AGA,

Sana po parati kayong in good health para mas marami pa ang inyong matutulungan.

Gusto ko po sanang ihingi ng payong legal itong aking problema. Aaminin ko po Atty. na talagang engot ako sa pag-ibig. Dalawang beses na akong umibig at dalawang beses na rin akong niloko. Iyong una ko pong pag-ibig, ang pinakasalan ay iba. Eto naming pangalawa ay sa wala din napunta. Pagkatapos ko siyang mahalin ay niloko lang ako dahil bumalik uli siya sa asawa niya. Opo Atty. AGA, ako po ay nakisama sa isang taong may-asawa.

Ang problema ko po ay paano namin paghahatian ng dati kong Papa ang nabili naming dalawang lote at ang joint account namin sa bangko. Iyon pong isang lupa sa Cavite ay sa bulsa ko po lahat nanggaling ang ibinayad. Samantalang ang lupa sa Mindoro ay pinagtulungan naming bayaran. Fifty Percent po ng total contract price ay ako ang nagbayad at siya naman ang nagbayad ng kalahati. Iyon pong joint account naming sa bangko ay ako lang po ang naghuhulog doon. Salamat po sa inyo at Mabuhay po kayo Atty.

                                                                               Lubos na nagpapasalamat,

                                                                              Claudia

Alam mo Claudia, never mind what you have done in the past. What is more important is- what are you going to do in the future. So kung sa tingin mo ay nagpakatanga ka sa pag-ibig, leave those memories in the past. Ituring mong water under the bridge na iyan. Kumbaga, hindi na iyan mahalaga, ang importante ay matuto ka sa iyong mga pinagdaanan at mag-move on ka na. Just make sure na kapag na-in love kang muli ay you’re not going to repeat the mistakes of the past.

Bumalik tayo sa iyong suliranin. Ang lupa sa Cavite dahil ayon sa iyo ay solo mo itong binayaran ay sa iyo lamang ito. Wala ditong share ang Papa mo. Subalit ibang usapan na kapag ang lupa sa Mindoro ang involved sapagkat dito ay co-owners kayo.

Ito ay naaayon sa Article 148 ng ating Family Code

kung saan nakasaad na "only those properties acquired by both of them through their actual joint contribution shall be owned in common in proportion to their respective shares. Ang ibig sabihin nito maituturing lamang kayong co-owners kung ang mga ari-arian na nabili ay mayroong actual joint contribution ang bawat isa. At ang share sa ownership ng mga ari-arian ay depende kung magkano ang nabayad. Kung wala siya nitong sinasabi sa batas na "actual joint contribution" sa naipundar na ari-arian ay hindi siya matatawag co-owner.

Mahalaga na sa ganitong mga pagsasama kung saan incapacitated ang isa o both parties to marry each other, walang saysay dito ang efforts ng isang partido in the care and maintenance of the family and of the household. Dito ang usapan ay strictly "actual joint contribution." Kung wala ka nito, sorry na lang wala ka talagang parte sa mga ari-ariang napundar ng kayo pa ay nagsasama.

Subalit ang share ng Papa mo sa lupa sa Mindoro dahil siya ay isang pamilyadong tao will accrue to the to the absolute community or conjugal partnership nila ng kanyang lehitimong asawa.

With respect sa joint account ninyo sa bangko, wala siyang share dahil wala naman siyang "actual joint contribution dito". Dahil sa ikaw naman lahat ang nag-dedeposito dito at siya kahit na singko ay walang naihulog.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa aming tanggapan sa 210 E. dela Paz Street, Pleasant Hills, Manldaluyong City 1552, Philippines. Pwede rin kayong makinig at makita na ako sa ating daily radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6:00-7:30pm. (Manila Time), DZXL RMN Manila through the website www.rmn.ph/tv Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net.

Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!