Malacanang, hindi magiging tirahan ni Presidente Noynoy Aquino

 

Hindi umano magiging official residence ni President Noynoy ang palasyo ng Malacanang dahil ito ay napakalaki para sa isang bachelor na gaya niya bukod pa sa negative vibes na kanyang nararamdaman dito. Alam nating lahat na ang Malacanang ay opisyal na tirahan ng lahat ng mga naging presidente ng Pilipinas kabilang na rito ang kanyang namayapang ina na si Pres.Corazon Aquino. Ano ang masasabi mo rito?

Andy Mendoza (Parma) - Kung talagang buo ang desisyon ni Pres Noynoy na huwag tumira sa Malacanang, siguro dapat irespeto ng sambayanang Filipino ang desisyong ito kahit pa nga masasabing isang pagtalikod sa tradisyong nakasanayan natin at sinusunod para sa mga nahahalal na pangulo ng bansa tulad ng White House sa America. Ang importante siguro bigyan ng halaga ng mga tao at bantayan kung paano maisasalba at matutulungan ni Noynoy ang lubog na ekonomiya at naghihirap na mamamayan ng bansa.

Grace Corachea (Parma) - Malaki ang tiwala ko sa capacity to decide ni Pres. Noynoy. Ipinakita lang niya lalo na hindi siya traditional at hindi basta masusuway sa kanyang mga desisyon. Kung para sa kanya ay tama ang kanyang dahilan. Sana ay magkaroon ng pag-unlad ang Pilipinas ngayong si Noynoy na ang presidente. Importante rin na maging humble siya-importanteng trait para sa isang presidente ng bansa.

Jocelyn Caruyan-Mendoza (Parma) - Hindi ako pabor dito dahil ang Malacanang ay simbolo na ng mga naging Pangulo ng bansang Pilipinas. Hindi ba pwedeng humingi ng spiritual advice si Noynoy sa simbahan tungkol sa negatives vibes? Baka pwedeng basbasan muna ang palasyo bago siya manirahan dito kung talagang naniniwala si Noynoy na may negative vibes dito o kaya naman Feng shui expert advice? Siguro, mas pagtuunan ng pansin ni Noynoy na sagipin ang lugmok na bansa natin.