|
|
|
|
EKSAM Si Pedro at Kardo pagkatapos ng eksam... Kardo: Pedro, nahirapan ka ba sa questions sa exam? Pedro: Hindi! Kardo: Ang galing mo naman! Pedro: Nahirapan ako sa answers
M.U. Ano ang ibig sabihin ng M.U? Mutual Understandng? Mali! ...eto yun: Wala kayong commitment kaya huwag kang masyadong mag-expect. P’wede kang magselos, p’wede kang magtampo, pero di ka p’wedeng magalit. P’wede kang makipagdate sa iba pero huwag nang magpapaalam. P’wede mo siyang lambingin. P’wede mo siyang yakapin. At ‘pag nalaman mo na may bf/gf na siya, p’wede kang umiyak, pwede kang masaktan pero hindi mo s’ya pwedeng sumbatan dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay … isang ‘MAGULONG USAPAN’ lamang.
TANGA: The Definition TA . NGA [ta-`ngah] - noun 1.taong ayaw magka-boyfriend pero nagre-reklamong single. 2. lalaking mahilig mambabae tapos nagugulat everytime ayaw pagkatiwalaan ng mga babae. 3. ex mong iniwan ka for some unknown reason then biglang magpaparamdam ulit after Jurassic years. 4. taong pilit na naghihintay sa taong wala naming balak dumating 5. babae o lalakeng ilang beses na naloko sa pare-parehong dahilan pero di natututo. 6. mag-jowang araw-araw nag-aaway pero hinding-hindi daw sila maghihiwalay. 7. textmate na nagbibigay ng load/pasaload pero hindi naman tini-text nang kanyang pinagbibigyan ng load ngunit patuloy paring nagbibigay ng load. 8. taong magpapa-kamatay para sa taong wala namang pakialam. —Related forms Ka.ta.nga.han, adjective Ta.ta.nga.ta.nga, verb Ta.nge.ngot, noun —Synonyms Hangal, gunggong, estupido/a, gago/a, ungas, walang kwenta, walang saysay, luko-luko, luka-luka , bobo.
WISH MO LANG Here are things na wish mong sabihin sa’yo ng parents mo. 1.Anak, bumangon ka na male-late ka na. Pero kung ina-antok ka pa sige matulog ka nalang, sa next period ka nalang pumasok. 2. O, eto allowance mo oh. May dagdag na na pang-gimik yan. 3. Amoy alcohol ka na naman!? Nag-jamming na naman kayo. Bad trip, di man lang ninyo ako sinama. 4. Gabi na matulog na ka na. Bukas samahan mo ako, bili tayo ng bago mong cellphone. 5. Nandyan ang jowa mo sa labas. Papasukin ko nalang dito sa kwarto mo? 6. Tumawag yung adviser mo sabi lagpak ka na naman daw. Di bale ok lang, may next sem pa naman. 7. Junior, bakit iisa lang girlfriend mo? Ang hina mo naman, dagdagan mo pa para may extra. 8. Anak, bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend? Ok lang naman sa amin kung mabuntis ka, kami na bahala sa magiging anak mo. 9. Hindi pa-ubos ang 300 na load mo? Noong isang araw pa yun ah… 10. Anak naman! Bakit hindi mo inu-ubos ang binibigay naming allowance sayo… Kumakayod kami ng husto ng Daddy mo para may pantustos sayo tapos hindi mo ginagastos ang binibigay namin sa’yo!? Wish ko pa sana mabasa ito ng mga magulang. Pero sa tingin ko, manigas tayo sa kahihintay bago matupad ang mga wish na ito. Kaya nga wish mo lang…
|