Alam na alam natin na ang payatas ay isang
lugar kung saan tinatapon ang mga basura, Halo-halo. Di
kakayanin ng sikmura mo ang masangsang na amoy na dumidikit
sa damit at parang hinahalukay ang iyong sikmura. Kung hindi
ka sanay, hindi mo kakayaning kumain sa lugar na iyon.
Siguradong masusuka ka. Pero naisip mo ba kung bakit may
nakatira pang mga tao sa ganung lugar?
Sabi ng marami, may kayamanan sa basura. May
pera nga ba? Sa anong paraan? Marami mga kaibigan.
Madalas niyo bang makita ang mga larawan sa
mga pahayagan, sa T.V., nakakadiri dahil sari-saring dumi at
amoy pero kaya ng sikmura ng mga tao. Tanong ko sa sarili ko.
Kaya ko kaya kung doon ako nilagay ng Diyos? Sabi nga, ang
Diyos ang naglalagay at nagbibigay buhay. Kakaiba ba ang mga
taong ito kaysa sa atin? Sa tingin ko pare-pareho lang tayo.
Kahit pa tayo nakapag-aral at mas mabuti ang estado natin sa
buhay, pareho lang tayo.
Mas mahal ba tayo ng Diyos kaysa sa kanila?
Hindi tayo nakakahigit. Mas mapalad sila. Magtatanong kayo,
Bakit? Paano mo nasabi? Dahil ang mga taong ito, alam na
alam na nila at nauunawan nila ang kahirapan. Nakikita nila
ang kabutihan ng Diyos sa mga maliliit na bagay at
nananatili mapagkumbaba sila. Ngunit gusto ng Diyos na
maging mapalad tayong lahat. Sila alam nila na kahit sa
basura may pera. Paano? Saan? Tingnan natin, hinahalukay
nila ang bawat supot, karton, sako o ano mang lagayan ng
basura. Syempre mabaho at napakarumi ng mga ito, pero sa mga
basurang ito, may mga ginto para sa kanila. Mga plastic
containers, bote, dyaryo, magazines, aluminum, at marami
pang bagay na maibebenta nila at magiging pera. Ang mga
Lumang damit, sapatos, tsinelas at marami pang gamit,
kinukuha nila, inaayos at napapakinabangan.
Ano ang payatas ngayon? Maraming bahay ang
nakatayo.May pinalad sa mga nakatira sa mga basura na
makakuha ng mga bahay. Sa pagtitiis at pagtitiyaga, may mga
maayos na bahay na sila ngayon at kabuhayan sa pamamagitan
ng mga basura. Nag-aaral ang mga bata. Ang iba mas mapalad
dahil narin sa pagsisikap at sa walang tigil na nangangarap
bumuti ang buhay.
Kaya payo ko sa inyong lahat na nagbabasa sa
oras na ito, matuto po tayong ayusin ang mga basura natin at
laging isipin na may naghihintay sa ating mga basura.
Ihiwalay ang mga nabubulok dahil ito ay ginagawang compost
na nagiging fertilizer. Ang dumi ng mga tao at hayop ay
isang uri ng fertilizer at may proseso dito na ginagawa ang
mga nakakaalam. Ang mga papel, bote at plastic dapat
ihiwalay dahil narerecyle ang mga ito at ganun din ang mga
metallic at aluminum at iba pang mga bagay. Matuto tayo na
katulad ng mga taong nagbabasura at pumupulot ng ating mga
basura.
Tunay na may pera sa basura. Ito ay isang
uri ng marangal na hanapbuhay. Katulad natin, mahirap ang
ating hanapbuhay pero dapat pagbutihin ang paghahanap buhay,
ano mang trabaho ito. Ang basura ay hanapbuhay, marumi at
mabaho pero maraming pagpapala dito. Ang pag-gawa ng Diyos
sa atin ay sa iba’t-ibang paraan at pamamaraan. Igalang
natin ang mga taong ang hanapbuhay ay kunin ang mga bulok
natin na basura. Matuto tayo na iayos ang basura natin.
Ihiwalay ang bawat bagay ayon sa batas ng
ating komunidad. Kung hindi tayo matututo ,katulad din tayo
ng basura natin. Makalat, marumi at mabaho. Pahalagahan
natin ang pag-aayos ng ating basura para sa kaayusan at
kalinisan ng ating kapaligiran at laging isa-isip na
hanapbuhay ang pagbabasura at may pera sa basura.
RONNIE SAMALA, CONSULTANT FOR WASTE
MANAGEMENT AND ENVIRONMENT ISSUES