Saludo sa galing ni Dr. Eleanor Concepcion Mariano

Kauna-unahang Filipina-American na naging US Navy Rear Admiral (2001)

Kauna-unahang Filipina-American military woman na naging white house physician (1992)

Kauna-unahang Filipina-American na naging pinakabatang captain sa US Navy (1977)

Ito ay ilan lamang sa mga kahanga-hangang galing at talino na ipinakita ni Dr.Eleanor Concepcion Mariano na mas kilala sa tawag na Dr. Connie, ipinanganak sa Sangley Point Naval Base sa Cavite City noong taong 1955 at anak nina US Master Chief Angel Mariano at ni dentist Lourdes Jingco.

Napag-alaman na dalawang taong gulang pa lamang noon si Connie na magdesisyong manirahan ang kanilang pamilya sa Hawaii.

Simula pa lamang ng kanyang pag-aaral ay hinangaan na ng marami si Connie, valedictorian siya ng Mar Vista High School Imperial Beach California noong taong 1973 habang nagtapos at nakakuha siya ng cum laude honors sa kanyang kursong Bachelor Degree in Biology sa Revelle College at University of California sa San Diego.

Taong 1977 naman nang siya ay pumasok sa mundo ng navy at doon din niya nakuha ang kanyang medical degree sa Uniformed Services University of Medicine, Bethesda Maryland.

Dahil sa sipag. galing at talino nakuha ni Dr. Mariano ang kanyang board-certified in Internal Medicine at unang pumasok sa Medical Department Head at sa Division Head of General Internal Medicine.

Samantala taong 1992 si Dr. Mariano ay kinilala bilang White House Physician at noong 1994 naman pinangalanan siya bilang Director of the White House sa tatlong president ng US na sina President George H.W. Bush, President Bill Clinton and President George W. Bush.

Para kay Dr.Eleonor Concepcion Mariano, walang imposible kung gagamitin ng tama at wasto ang galing at talino . At naniniwala siya na ang Filipino ay sadyang may angking galing na angat sa iba. Kaya naman isang saludo ang dapat ibigay sa kanya. Ulat ni Mitch Hermano