Wala Ka Nang 'K' Diyan!

Dear Atty. AGA,

Kumusta po kayo Atty. Nais ko pong idulog sa iyo ang aking problema. Nang mamatay ang aking mga magulang ay may naiwan silang munting kabuhayan sa akin. Nakapundar po kasi sila ng two-door apartment sa Cavite.

Mabait naman po ang mga tenants ko at naging maayos naman ang munti kong pinag-kakakitaan. Pero ngayon pong nakaraang five months ay binigyan ako ng malaking sakit sa ulo ng isa sa dalawa kong tenant. Hindi po kasi siya nagbabayad ng renta sa loob ng limang buwan. Pinagtataguan po niya ako kapag sinisingil ko siya.

Atty. AGA, ano po ba ang dapat kong gawin?

Lubos na nagmamahal,

Tricia

 

You know Tricia, para matapos na ang sakit ng ulo mo ay magsampa ka ng ejectment case for Unlawful Detainer laban sa tenant mong abusado na ayaw magbayad ng renta. Mangyari lamang na sumunod ka sa mga requirements ng batas.

Ano ba itong mga kailangan o requisites ng ejectment suit? Kailangan na merong pagkabigong magbayad ng renta o tumupad sa mga kondisyones ng pangungupahan. Pangalawa, kailangang may demand both to pay or to comply and vacate within the periods na nakasaad sa Section 2, Rule 70 (of the 1964 Rules of Court) namely 15 days in case of lands and 5 days in case of buildings. (Siapian vs. Court of Appeals).

Ang ibig sabihin nito Tricia ay kailangang magpadala ka ng kaukulang sulat kung saan may demand ka sa tenant mong magbayad at lisanin ang nirerentahan niyang lugar sa loob ng labinlimang (15) araw kapag lupa at limang (5) araw kung ang inuupahan ay isang gusali.

Prior to the institution of an action for unlawful detainer, a demand from the lessor to pay or comply with the conditions of the lease and to vacate the premises is required as stated in Section 2 of Rule 70 of the 1997 Rules of Civil Procedure, and the giving of such demands must be alleged in the complaint, otherwise the Metropolitan Trial Court/Municipal Trial Court, cannot acquire jurisdiction over the case. (Arquelada vs. Philippine Veterans Bank)

Bago ka makakapagsampa ng isang asunto para sa unlawful detainer, kailangang mayroon ng demand mula sa iyo na magbayad o sumunod sa mga conditions ng lease at lisanin ang inuupahang lugar sa panahong nakatakda sa batas sa iyong tenant. Ang pagbibigay ng ganyang demands kase ay dapat na naka-allege sa complaint, kung hindi ay hindi magkakaroon ng jurisdiction ang Metropolitan Trial Court/Municipal Trial Court sa kaso. Kaya, tandaan mong mabuti iyan kasi baka ma-dismiss ang iyong kaso dahil hindi ka sumunod sa requirement na iyan. Kung pareho kayong nakatira sa isang barangay, municipyo o ciudad, doon ka muna magreklamo at kung hindi kayo magkasundo, kumuha ka ng certificate to file legal action.

A notice to vacate is needed only when the action is due to the lessee’s failure to pay rent or to comply with the terms of the lease. (Arquelada vs. Philippine Veterans Bank, 329 SCRA 536). Ang abiso na lumisan ay kailangan kapag ang asunto ay dahil sa kabiguang magbayad ng renta o sumunod sa mga kondisyones ng pagpaparenta. Sundin mo iyan Tricia dahil ang nangungupahan sa iyo ay pinapaalis mo dahil hindi nakakabayad ng renta. Kailangan na ang iyong demand letter ay may nakasaad na lisanin ng iyong tenant ang lugar na inuupahan niya sa iyo.

By the way, ang ejectment proceedings ay covered under Summary Procedure. Ang madaliang pagresolba nito ay matter of public policy.

Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa aming tanggapan sa 210 E. dela Paz Street, Pleasant Hills, Manldaluyong City 1552, Philippines. Pwede rin kayong makinig sa ating daily radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, 6:00-7:30pm., DZXL RMN Manila sa 558 khz through the website www.rmn.ph and click to 558 DZXL RMN MANILA. Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net.

Lagi po nating tandaan,

ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!