Sa inilabas na report ng World
Competitiveness Yearbook kung saan nira-rank at sinusuri ang
kakayahan ng isang bansa para matugunan ang pangkalahatang
pag-unlad ng paggawa, kulelat na naman ang Pilipinas para sa
taunang general evaluation.
Para sa taong 2009, lumalabas na lumaglag sa
ika-43 puwesto ang Pilipinas mula sa ika-40 puwesto nito
noong 2008. Samakatuwid talagang lumalabas na napag-iiwanan
na tayo ng mga bansa sa Asya.
Mahina ang performance sa ekonomiya, mahina
ang serbisyo ng gobyerno at mahinang imprastruktura ng
Pilipinas. iyan ang naging dahilan ng World Competitiveness
Ranking kaya bagsak na naman tayo.
Sa resulta naman ng isinagawang State of
Philippine Competitiveness National Conference sa Pasay City
noong nakaraang linggo, nasa pinakailalim ang Pilipinas sa
may 13 bansa sa Asia-Pacific region. Lumalabas talagang
least competitive ang Pilipinas at hindi makahabol sa mga
katabing bansa sa Asia-Pacific
Pinakamahusay ang performance ng HongKong,
Singapore, Australia, Qatar, Japan, Malaysia, China,
Taiwan., Thailand, Indonesia at nasa huli ang Pilipinas na
nasa number 43.
Malaki itong hamon sa mga tatakbo ngayong
darating na eleksyon kaya naman maging matalino tayo sa
pagpili ng bagong mamumuno sa ating bansa habang may
natitira pang pag-asa para sa kinabukasan ng mga susunod ng
henerasyon.
Ano ang iyong reaksyon sa inilabasn na
resulta ng World Competitiveness Yearbook tungkol sa Pinas?
Roel Consolacion
- Ramdam at kitang-kita naman natin ang pagiging kulelat
ng Pilipinas sa larangan ng pag-unlad. Ang Puno’t dulo nito
ay ang matinding corruption at maling pamamalakad ng mga
namamahala sa gobyerno. Hangga’t walang pagbabago sa sistema
ng ating gobyerno ay patuloy tayong magiging kulelat sa
pag-unlad.
Karen
Bacomo - Hangga’t walang self descipline ang Pinoy at
‘TRAPO’ pa rin ang nakaupo sa gobyerno, kahit na dumarami pa
ang katulad natin na mga OFWs na tumutulong sa pag-angat ng
ating bansa, ay patuloy tayong mapag-iiwanan.
Naya
Ballocanag - I don’t agree na kulelat tayo dahil
nakikita naman natin ang improvement sa ating bansa. I still
believe that our government is doing well for our economic
development.