Dalawang bagay ang nais kong bigyan ng
pansin, katibayan at katiyakan, ganyan daw ang
pananampalataya, sa ibang salita ang sumasampalataya ay
hindi umaasa lamang na ang kanyang sinasampalatayaan ay
mangyayari, kundi siya ay may katibayan na iyon ay
mangyayari. At bigama iyon ay hindi nakikita siya ay may
katiyakan sa katotohanan noon.
Ang salitang KATIYAKAN ay galing sa
salitang Griego na ginagamit patungkol sa titulo. Halimbawa,
bumili ka ng isang lote bigama hindi mo pa nakikita bibigyan
ka ng mga kasulatan na lalagdaan mo gayundin ang nagbili.
Pagkatapos niyon, ang lupa ay pag-aari mo na, ngunit hindi
mo pa nakikita iyon at paano iyon magiging iyo?maaring may
magtanong, tama, ngunit hawak hawak ka ng katibayan, ang mga
papeles at sagot mo ang buong katibayan.
Walang pagkakaiba sa pananampalataya sa
DIYOS kung pag-uusapan. May dalawang bahagi ang
pananampalatayang ito at kung wala ang isa, ang
pananampalataya ay hindi maaaring maging ganap.Ang una ay
may kinalaman sa isipan, alam mo ang iyong sinasampalatayaan
ay totoo. Ang pangalawa ay may kinalaman sa puso,
nagtitiwala ka sa alam mong totoo.
Narito ang isang halimbawa para maginf
malinaw ang ibig kong sabini. Ipalagay nating kayo ay may
isang lugar na gustung-gustong pagbakasyunan, balita ang
kagandahan ng lugar na iyon na dinadalaw ng maraming turista
mula sa iba-ibang lugar at bansa, pagkatapos dumating ang
pagkakataon na kayo ay nakapg-ipon nang sapat at dala ninyo
ang isang malaking maleta na punong-puno ng iyong mga
kakailanganin para sa inyong bakasyon, nagtungo kayo sa
istasyon ng bus patungo sa inyong pupuntahan, ngunit kayo ay
nag-aalangan ng sumakay dahil sa naisip ninyong bago kayo
masiraan sa daan o maaksidente, kaya kinausap ninyo ang
tsuper at tiniyak niya na doon nga kayo pupunta at walang
diperensya ang sasakyang kanyang minamaneho. Sinabi rin niya
na siya ay isang maingat na tsuper at wala pa siyang
aksidenteng nangyayari.At sa kabila noon ay hindi ka pa rin
sumakay.
Ganyan ang karaniwang ginagawa ng tao sa
DIYOS, naniniwala tayo sa kanya na ang kanyang salita ay
totoo ngunit hindi tayo naniniwal na nang sapat upang
ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya. Hindi
kailanman nagbabago ang isip ng DIYOS sa kanyang mga pangako.
Lagi niyang tinutupad ang mga iyon. Ang batayan n gating
pananampalataya ay ang mga katangian ng Diyos at ang isa
roon ay ang kanyang katapatan.