Pagbubuntis

Ang maayos at malusog na pagdidiyeta (healthy diet) ay makatutulong sa pagbubuntis ng isang babae. Isang tulong din ito upang maging malusog ang sanggol na nasa sinapupunan.

Nararapat lamang na maging maingat ang isang babaeng buntis sa kanyang timbang. Ang pagiging underweight o overweight ng isang buntis ay magdudulot ng peligro at kumplikasyon sa sanggol at paghihirap naman ng ina sa panganganak.

Upang mapanatili ang healthy diet narito ang ilang pagkain na DAPAT IWASAN ng isang nagdadalang-tao.

1.Soft cheese - Maaaring magtaglay ito ng listeria, isang tipo ng bacteria na makakasama sa sanggol na nasa sinapupunan. Makabubuting kumain na lang ng hard cheese tulad ng cheddar o cottage cheese, processed cheese o cheese spread.

2. Egg o itlog - Ito ay maaaring magtaglay ng salmonella na pwedeng maging sanhi ng food poisoning. Huwag kumain ng hilaw o half-cooked egg. Lutuin ito nang maigi.

3. Pâté - Maaaring magtaglay din ng listeria bacteria.

4. Isda o karne - Siguraduhin na luto ang isda at karne na kakainin. Ilang isda ang nagtataglay ng mataas na antas ng mercury na maaaring makaapekto sa nervous system ng sanggol, Iwasang kumain ng shark, swordfish at marlin at limitahan din ang tuna na hindi lalagpas sa dalawang tuna steaks o apat na tuna in cans (1can=185g) a week upang makaiwas sa toxicity risk.

5.Shellfish - Lutuing mabuti upang makaiwas sa bacteria at virus na pwedeng maging sanhi ng food poisoning.

6.Alcohol - Iwasang uminom ng heavy alcohol upang makaiwas sa birth defects and lower birth weight.

7.Caffeine - Nirerekomenda lamang ang pag-inom nito na hindi lalagpas sa 300mg kada araw katumbas ng 4-cups of coffee, 6-cups of tea o 8-cans of cola.