US at China, 'di nagkasundo tungkol sa Spratly dispute

BEIJING, China - Walang nagpakumbaba sa dalawang makapangyarihang bansa makaraang nagharap ang mga ito.

Bumisita si US Joint Chiefs of Staff Adm. Mike Mullen (nasa larawan) sa Beijing kung saan kaniyang nakausap si Chinese Military Chief Gen. Chen Bingde at Vice President Xi Jinping.

Ayon kay Gen. Cheng, kanilang napag-usapan ang ukol sa territorial dispute ng mga bansa sa South China Sea.

Inihayag ng heneral na may mga common ground naman sila pero may magkakaibang opinyon sa ibang isyu at isa na rito ang pinag-aagawang teritoryo.

Igniit ni Mullen na mananatili ang presensiya ng US military sa Asia Pacific region.

Mananatili aniyang Pacific power ang Estados Unidos kagaya ng China.

Subalit iginiit naman ng China na gusto nitong resolbahin ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa pamamagitan lang ng mga claimants at hindi kasali ang Amerika.

Michelle H. Carandang