DADAAB, Kenya -
Nanlumo ang United Nations refugee agency nang makita ang
kalagayan ng libu-libong Somali refugees sa Kenya na lumikas
sa matinding tagtuyot na nararanasan ng Somalia.
Sa Dadaab camp sa
Kenya, bumabaha na ang mga refugees dahil sa kakula-ngan ng
pagkain bunsod ng tagtuyot.
Ayon sa World Food
Program, 10 milyon ang na-ngangailangan ng humanitarian aid
habang inihayag ng UN Children’s Fund na 2 milyong bata na
ang malnourished at kailangan umano ang aksyon para mabuhay
ang mga ito.
Kasabay nito,
nanawagan si UN High Commission for Refugees head Antonio
Guterres ng maraming tulong mula sa international community.
Inihayag ni Guterres
na ang nasabing tagtuyot ang pinakamalalang humanitarian
crisis sa mundo.
"I believe Somalia
represents the worst humanitarian disaster in the world,"
ani Guterres.
Napag-alaman na 35
araw ang nilalakbay ng nasabing mga refugees para makaabot
sa Kenya at ang iba ay namamatay sa daan pa lang.
Sa ngayon ayon sa
refugee agency, 58 ang namatay sa Kenya sa loob lang ng
isang buwan.
Ayon pa sa UN refugee
agency, may 2,000 rin na tumutungo ng Ethiopia kada araw
mula Somalia, para makaiwas sa tagtu-yot.
Michelle H. Carandang