|
|
|
|
KAAKIT-AKIT Inday: Fairy Godmother, gawin mo akong kaakit-akit sa mga lalaki! Fairy Godmother: Sige, gagawin kitang...Red Horse? Matador? Marlboro? o DotA? mag-isip ka Mister: Gusto kong mag-file ng legal separation o annulment sa kasal namin ng asawa ko. Atorni: Bakit? Mister: Six months nang hindi niya ako kinakausap! Atorni: Mag-isip-isip ka! Mahirap humanap ng asawang hindi nagbubunganga! T&S T: Ano ang tawag sa higanteng mais? S: Kapre-corn. T: Ano ang tawag sa maliit na pato? S: Pan-duck. T: Anong bansa ang palaging hinahalikan? S: PaKISStan. T: Anong bansa ang ulam? S: Argentina. Fish & pepper Sa classroom... Teacher: Class, use FISH and Pepper in a sentence: Pongpong: Ma’am! Teacher: Yes, Pongpong. Pongpong: May I borrow a fish of pepper? HEADLINES Balitang-balita sa radyong sira! Buntis, sinaksak! Baby, nakailag! Aso, nasagasaan! Garapata, sugatan! Dalawang kalbo, nagsabunutan! Unano, nalunod sa tabo! Security guard, binabantayan! Katulong, tinulungan! Tindero ng suka, tinoyo! Tubero, nagkatulo! BANAT Line Boy: Naka-anesthesia ka ba? Bakit hindi mo maramdamang mahal na mahal kita? Girl: May amnesia ka ba? Bakit hindi mo maalalang binasted na kita?! BANAT Line 2 Girl: Mangga ka ba? Boy: Bakit? Sobrang sweet ko ba? Girl: Hindi, ‘no! Mukha ka kasing kalabaw. Kapag ako’y namatay ayokong RIP ang ilagay sa aking lapida. Ang gusto ko, SYS (See You Soon)!
|
|